1
Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5
El Filibusterismo : Kabanata 11-18
10
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress
Zeal of Partnership
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
2
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Cherrie Mae R. Lao , Ritchel G. Bicoy
Editor:
Tagasuri: Jill B. Lubguban
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat:
Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent
Visminda Q. Valde, EdD
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Raymond M. Salvador, EdD, CESE
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Juliet A. Magallanes, EdD
CID Chief
Florencio R. Caballero, DTE
EPS – LRMDS
Josephine L. Tomboc, EdD
EPS – Filipinp
3
PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG
SARILING SAGUTANG PAPEL
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang
pag-unawa at pagpapahalaga sa
nobelang El Filibusterismo bilang
isang obra maestrang pampanitikan
Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng
makabuluhang photo/video documentary
na magmumungkahi ng solusyon sa isang
suliraning panlipunan sa kasalukuyan
Gamit ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Natatalakay ang mga kaisipang ito:
- kabuluhan ng edukasyon
- pamamalakad sa pamahalaan
- pagmamahal sa: Diyos, bayan, pamilya, kapwa-tao
- kabayanihan -karuwagan
- paggamit ng kapangyarihan
- kapangyarihan ng salapi
- kalupitan at pagsasamantala sa kapwa
- kahirapan - karapantang-pantao
- paglilibang - kawanggawa
- paninindigan sa sariling prinsipyo (F10PB-IVd-e-89)
• Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang kaugnay ng:
- karanasang pansarili - gawaing pangkominidad
- isyung pambansa - pangyayaring pandaigdig (F10PN-IVf-90)
• Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng
binasang akda sa mga kaisipang namayani sa binasang akda
(F10PD-IVd-e-83)
• Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang
angkop na mga salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/ damdamin
(F10WG-IVd-e-80)
Alamin
4
Maligayang pagdating sa ikalimang modyul, kaibigan. Nagagalak akong
natapos mo nang buong husay ang ika-apat modyul. Ang galing mo! Mayroon na
naman tayong panibagong aralin na tatalakayin sa modyul na ito.
Sa modyul na ito, matatalakay natin ang mga kaisipang namayani sa
nobelang El Filbusterismo. Mayroon din akong mga gawaing inihanda para iyo
upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral sa modyul na ito. O, ano, handa
ka na? Tara na! Simulan natin!
Oopps! Bago ka magpatuloy ay sariwain muna natin ang iyong napag-aralan
mula sa nakaraang modyul. Batid kong alam mo na ang mga pangyayari mula sa
ikaanim hanggang sa ikasampung kabanata ng nobela. Ngayon sagutin mo ang
aking inihandang katanungan.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangyayari. Isulat ang TAMA kung ang mga pangyayari ay naganap sa mga nakaraang kabanata at MALI kung hindi.
_____ 1. Palihim na nagtungo si Basilio sa kagubatan na dati ay pag-aari ng
mga Ibarra na ngayon ay pag-aari ni Kapitan Tiyago.
_____2. Natuklasan ni Basilio na si Simoun at Ibarra ay iisa. _____3. Si Huli ay umaasang maghihimala ang Mahal na Birhen at
makakakita siya ng kapupunang pera upang pantubos sa amang si Kabesang Tales.
_____4. Naawa si Hermana Penchang sa nangyaring pagkamatay ni Tandang Selo.
_____5. Isinangla ni Kabesang Tales ang locket ni Huli kay Simoun.
Magaling! Tunay ngang ikaw ang may natutunan sa mga pangyayari ng mga
nakaraang kabanata ng nobela. Ngayon ihanda mo na naman ang iyong sarili para sa bagong araling ating tatalakayin.
Aralin 4.5
El Filibusterismo Kabanata 11-18
Balikan
5
Alam mo ba?
Ang pagpapahayag ng opinion at sariling paniniwala ay maaaring pasalita o
pasulat. Sa pagbibigay ng opinion o saloobin, kinakailangan ang kasiguraduhan na
mailahad ang mga ideya nang may kaayusan.
May mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin.
Ito ang sumusunod:
• Kung ako ang tatanungin…
• Sa aking pananaw…
• Sa aking palagay…
• Sa tingin ko…
• Para sa akin…
• Sa aking opinyon…
Halimbawa: Sa aking pananaw, ang pagkakaroon ng mabuting asal ay isang
gintong kayamanan.
Gawain
Panuto: Basahin nang mabuti ang gintong kasabihan sa loob ng kahon. Gamit ang
graphic organizer sa susunod na pahina, ilahad mo ang iyong ideya, saloobin o
damdamin tungkol sa kahalagahan ng edukasyon. Gamitin ang mga salitang
naghuhudyat sa pagpapahayag ng saloobin o damdamin.
Madalas nating marinig sa mga magulang ang ganito na sinasabi sa
kanilang mga anak, “Mag-aral kang mabuti, ‘yan lang ang maipapamana namin
sa iyo. Ang karunungan ay di mananakaw, di mawawala sa’yo dala mo ‘yan
hanggang kamatayan."
Lahat ay maaaring mawala sa’yo maliban sa karunungan na taglay mo. Ito ang
nag-iisang bagay na maipamamana natin sa susunod na mga henerasyon.
Tuklasin
6
Kahanga-hanga ka kaibigan! nailahad mo ang iyong mga ideya kung bakit
mahalaga ang edukasyon sa buhay ng isang tao. Tunay ngang pinapahalagahann
mo ang edukasyon.
Basahin ang mga sumusunod na sipi sa bawat bahagi ng kabanata. Unawain nang
mabuti ang mga kaisipang tinalakay rito.
❶
➢ Ang tinalakay na bahagi ay nagpapakita kung gaano ka
makapangyarihan ang salapi. Gaya ng ginawa ni Simoun kay
KAHALAGAHAN NG EDUKASYON
Para sa akin, __________
________________________
________________________
_______________________.
Kung ako ang tatanungin,
__________________________
__________________________
_________________________.
Sa aking palagay,
______________________
______________________
______________________.
May utang si Quiroga kay Simoun dahil kumuha ito ng tatlong pulseras
para pansuhol niya sa isang magandang babae na ang lakas ay lubhang
kailangan niya sa isang uri ng kalakal at pagtutubuan niya ng P6,000. Ang
utang niya kay Simoun ay P9,000. Sinabi ng mag-aalahas na ang utang niya
ay gagawin na lamang niyang P6,000 kung papayag siyang itago sa kanyang
tindahan ang mga armas niyang dumating. Pumayag si Quiroga.
Sipi mula sa Kabanata 16: Ang Mga Kapighatian ng Isang Tsino
Suriin
7
Quiroga na kung saan nagkaroon ng utang si Quiroga kay Simoun ng
9,000. Ngunit sinabi ni Simoun na gagawin na lamang niyang 6,000
sa isang kondisyon, kung papayag si Quiroga na itago sa kanyang
tindahan ang mga armas ni Simoun. Ito ay nagpapatunay na lahat ay
magiging posible at maisasakatuparan ang iyong mga sariling interes
kung ikaw ay may maraming pera.
❷
➢ Ang bahaging ito ay isang halimbawa ng taong may paninindigan sa
sariling prinsipyo. Pinapatunayan ito ni Isagani nang hindi siya
sumang-ayon sa mungkahi ni Pecson na gamitin si Pepay para
mapalapit kay Don Custudio para sa kanilang hangarin na
makapagpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Nais niyang
gumawa ng marangal at iwasan ang masagwang paraan upang
makamit ang kahilingan.
❸
➢ Masasalamin sa binasang bahagi ang hindi maayos at patas na
pamamalakad sa pamahalaan. Patunay rito ang pagpaparusa sa
sinumang magtangkang sumalungat sa kanilang pamamahala. Kahit
na maganda ang iyong intensiyon kung ito’y labag sa kanilang
alituntunin, ika’y mapaparusahan.
Dahil sa kagustuhan ng mga kabataang mag-aaral na maisakatuparan
ang planong pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila, gusto nilang
mapalapit kay Don Custodio. Nagmungkahi si Pecson na lapitan si Pepay,
isang mananayaw na malapit kay Don Custodio. Hindi sumang-ayon si
Isagani sapagkat mahalay tingnan kung pati kay Pepay ay lalapit pa sila. “May
iba pa namang paraan, gawin muna natin ang paraang hindi mahalay”,
sambit ni Isagani.
Sipi mula sa Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag-aaral
“Ang gumawa ng isang panukala bagama’t may mabuting layunin kung
laban naman sa alituntunin ng pamahalaan ay nakakasugat. Ang
magtangka ng ng pagkilos na salungat sa mataas na layunin ay isang
krimen na dapat parusahan”, ani G. Pasta
Sipi mula sa Kabanata 15 : Si G. Pasta
8
Gawain 1
Isa sa kaisipang lutang sa nobela ay ang paggamit ng kapangyarihan.
Mapapansin ang pagwawalang-bahala ng pamahalaan sa kanilang tungkulin o
posisyon. Dahil dito, di nila namamalayang umaabuso na sila sa kanilang
katungkulan at nawawalan ng tiwala sa kanila ang taong bayan. Pansinin ang
talatang nasa loob ng kahon sa ibaba:
Isang pangit na halimbawa ng namamahala ang pagsupil sa mga tao tulad
ng guro ang hangarin para sa bayan. Ang pagsuspende ng guro ay isang paraan ng
pamahalaan upang takutin ang iba pang lingkod bayan na naghahangad ng
kabutihan para sa bayan.
Umisip ng mga pangyayari na iyong naranasan, nabalitaan, nabasa at
napanood na may kaugnayan sa anumang anyo ng paggamit ng kapangyarihan.
Ilahad ito sa graphic organizer at sagutin ang tanong sa susunod na pahina.
Nabanggit ang karaingan ng guro sa Tiyani na walang bubong ang
kamalig na nagsisilbing silid-aralan ng mga bata. sinabi ni Don Custodio na
gagamiting silid-aralan ang sabungan pagkat linggo lang ito ginagamit.
Iniutos ng Kapitan Heneral na suspindihin ang guro. “Sinumang
magreklamo ay suspendihin,” ang makapangyarihang utos.
___________
___________
___________
___________
___________
___________
___________
___________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
Paggamit ng Kapangyarihan
Pangyayaring
Pandaigdig
Isyung
Pambansa
Gawaing
Pangkomunidad
Karanasang
Pansarili
Pagyamanin
9
1. Bilang isang mag-aaral, mahalaga bang mulat ang ating mga mata sa mga
pangyayari sa ating kapaligiran? Ipaliwanag ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
2. Bilang isang kabataang Pilipino, paano mo mababago ang sistema ng ating
pamahalaan na kung saan umiiral ang pang-aabuso sa kapangyarihan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
Gawain 2
Napakaraming mahalagang kaisipan ang nangingibabaw sa iba’t ibang
kabanata ng nobelang El Filibusterismo. Isa na rito ang kabuluhan ng edukasyon.
Sa akdang ito, ipinakita sa atin na sadyang ipinagkait sa mga kabataang Pilipino
ang edukasyon. Sinasadyang walain ang interes ng batang mag-aaral tulad ng
ginagawa ni Padre Millon kay Placido Pinetente nang sa ganoon ay walang
umusbong na matalinong Pilipino. Takot ang mga Kastila na kapag natuto ang mga
Pilipino ay may kakalaban at bubuwag sa kanilang katiwalian. Batay sa iyong
paniniwala at pagpapahalaga, sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa sistema ng Edukasyon noon? Batay sa
iyong paniniwala, mayroon bang kaibahan ang sistema ng
edukasyon noon at ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Para sa akin,_______________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
______________________________________________________________.
Mahusay! Ang iyong ipinamalas sa pagsagot sa unang
gawain. Para mas malalim na pagkatuto, narito ang isa
pang gawain.
10
Kumusta ang iyong pagsagot sa mga gawain? Nahihirapan ka ba o naging
madali lang para sa iyo? Para mas maging malinaw pa sa iyo ang ating aralin,
narito ang mga mahahalagang detalye na dapat mong tandaan:
❖ Mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng
saloobin/damdamin.
Ito ang sumusunod:
• Kung ako ang tatanungin…
• Sa aking pananaw…
• Sa aking palagay…
• Sa tingin ko…
• Para sa akin…
• Sa aking opinyon…
❖ Ang mga kaisipang namayani sa bawat kabanata ay
kakikitaan ng:
✓ kabuluhan ng edukasyon
✓ pamamalakad sa pamahalaan
✓ pagmamahal sa Diyos, bayan, kapwa-tao, pamilya
✓ kabayanihan
✓ karuwagan
✓ paggamit ng kapangyarihan
✓ kapangyarihan ng salapi
✓ kalupitan at pagsasamantala sa kapwa
✓ kahirapan , paglilibang, kawanggawa at paninindigan sa sariling
prinsipyo.
Isaisip
11
Binabati kita kaibigan! Walang katulad ang iyong ipinamalas na sikap at
tiyaga upang iyong matamo ang kasanayan sa modyul na ito. Napakahusay mo! Ngayon ito na ang huling pagsubok na aking ibibigay sa iyo. Galingan mo pa. Alam
kong kayang-kaya mo ito. Sige na, gawin mo!
Panuto: Basahin at unawain ang mga nakasulat na pahayag o talata. Isulat sa
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1.
Ano ang kaisipang nais ipahiwatig sa binasang bahagi?
a. kabuluhan ng edukasyon
b. kakulangan ng aspetong pinansyal
c. kahalagahan ng pangarap sa buhay
d. kawalan ng pagpapahalaga sa edukasyon
2.
Anong katangian mayroon ang tauhan sa binasa?
a. pagmamahal sa Diyos c. pagmamahal sa kapwa
b. pagmamahal sa bayan d. pagmamahal sa sarili
3.
Ano ang katangiang taglay ng guro sa binasang talata?
a. makapangyarihan bilang isang guro
b. malupit at mapagsamantala sa kapwa
c. mapanghusga sa kanyang mag-aaral
d. mapang-api at walang pakialam sa mag-aaral
Sinulatan ni Placido ng dalawang beses ang kaniyang ina na siya ay titigil
na sa pag-aaral. Subalit pinayuhan siya ng kaniyang ina na magtiis-tiis
muna sapagkat saying ang apat na taong kanilang pinaghirapan upang
makatapos siya ng Bachelor in Artes.
Lumabas si Isagani mula sa simbahan at nababakas sa kaniyang mukha
ang debosyon sa pagdarasal sa birhen upang gawing maliwanag ang
leksiyon sa araw na iyon.
Nahuli ng guro si Placido na tinuruan nito ng sagot si Juanito kaya siya
pinatayo. Sinabi pa ng guro na labinlima na raw ang kanyang liban sa klase
at isang liban na lang ay bagsak na siya. Nangatwiran si Placido na apat na
araw lang daw ang kaniyang liban, subalit ng sagot ng guro bihira lang daw
siyang magcheck ng attendance kaya tuwing magchecheck siya ay
minamarkahan niya ng limang liban si Placido at at binigyan pa siya ng
markang sero sa araw na iyon. Muling nangatwiran si Placido ngunit hinamak
siya ng guro.
Tayahin
12
4.
Ang kaisipang nais ipahiwatig sa binasa ay –
a. kawanggawa
b. kapangyarihan ng salapi
c. pagsasamantala sa kapwa
d. paninindigan sa sariling prinsipyo
5.
Anong katangian ang ipinakita ng kapitan?
a. pagmamahal sa posisyon
b. paggamit ng kapangyarihan
c. paninindigan sa sariling prinsipyo
d. pagwawalang-bahala sa kapwa
6.
Ano ang kaisipang nangingibabaw sa binasa?
a. karuwagan c. kapangyarihan ng salapi
b. kawanggawa d. paninindigan sa sariling prinsipyo
7.
Ano ang katangiang ipinamalas ni G. Pasta?
a. karuwagan c. kapangyarihan ng salapi
b. kawanggawa d. paninindigan sa sariling prinsipyo
8.
Anong kaugalian ang masasalamin sa binasa?
a. pamamasyal sa gabi
b. paglilibang sa kapistahan
c. pagtitipon tuwing may okasyon
d. pagbaling ng atensyon sa oras ng kalungkutan
Naalala ni Placido ang isang mag-aaral na pumasa lamang sa asignatura
dahil sa pagreregalo ng kanaryo sabay bigay ng tatlong piso.
Ibinukas ni Macaraeg ang kaniyang tahanan sa kapwa niya mag-aaral upang
dito magtipon para sa isang mabuting layunin.
Kinumbinsi ni Isagani si G. Pasta na tulungan sila sa pagpapatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila, subalit, napagdesisyunan ng abogado na ayaw
niyang isawsaw ang kaniyang daliri sa gayong kaselan na bagay. Kailangan
din niyang ingatan ang kanyang posisyon at pag-aari.
Tuwing pista, napakaganda at kaakit-akit ang gabi sa liwasan ng Quiapo.
Napakaraming tao na nais magpakasaya sa perya. Ang musika, kosmorama
at mga ilaw ng mga parol ay nagdudulot ng kasiyahan sa lahat.
Dahil sa mga reklamo at daing ng mga manggagawa sa kanilang trabaho,
tinanggal agad sila ng Kapitan Heneral.
13
9.
Ano ang kaisipang nais ipahiwatig ng binasa?
a. kawanggawa
b. kapangyarihan ng salapi
c. pagsasamantala sa kapwa
d. paninindigan sa sariling prinsipyo
10.
Nais ni Senyor Pasta na ipaubaya na lang ni Isagani sa pamahalaan ang
anumang gusto nilang pagbabago.
Masasalamin sa binasa ang __________________ ng pamahalaan.
a. pagtulong
b. pagpapabaya
c. pamamalakad
d. pagpapaubaya
Napahiya nang husto si Placido kaya pasindak niyang sinabi sa pari na
malalagyan niya ng kahit ilang guhit pa ang kaniyang pangalan. Pero, wala
itong karapatan na siya ay hamakin at basta-basta na lamang alipustahin
ang kaniyang pagkatao na gayon na lamang. Idinagdag pa ni Placido na hindi
niya masisikmura at matitiis ang gayong pag-uugali ng pari.
Bilang pinuno sa isang grupo ng mag-aaral, hiniling ni Isagani na magtayo
ng Akademyang Kastila. Siya ay dumulog kay Senyor Pasta na isang
pinagkakatiwalaang abogado ng pamahalaan. Pinayuhan ng abogado si
Isagani na hayaan na lang ang pamahalaan na ibigay kung ano ang
makabubuti para sa kanila.
Walang duda! Ikaw ay napakahusay kaibigan. Natitiyak kong ang iyong bagong natutunan sa modyul na ito
ay naitatak na sa iyong puso’t isipan kaya’t saan ka man magpunta at anuman ang iyong mararanasan ay mailalapat
mo ito. Maraming salamat kaibigan! Mabuhay ka!
14
Marami nang pelikula sa kasalukuyan ang tumatak sa puso ng bawat
Pilipino dahil sa tumatalakay ito sa ating kasaysayan at umani ng papuri mula sa
mamamayan dahil sa taglay nitong istorya at kaisipang ibinabahagi sa mga manonood. Panoorin ang video clip mula sa link sa ibaba, pagkatapos sagutin ang
mga sumusunod na katanungan.
https://www.youtube.com/watch?v=PBT-qSm-gJs
Karagdagang Gawain
MGA KAISIPANG NAMAYANI SA BINASANG AKDA
➢ kabuluhan ng edukasyon
➢ pamamalakad sa pamahalaan
➢ pagmamahal sa Diyos, bayan, kapwa-tao, pamilya
➢ kabayanihan
➢ karuwagan
➢ paggamit ng kapangyarihan
➢ kapangyarihan ng salapi
➢ kalupitan at pagsasamantala sa kapwa
➢ kahirapan , paglilibang, kawanggawa at paninindigan
sa sariling prinsipyo.
1. Ano-ano ang mga kaisipang
namayani sa napanood?
________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
_______________.
2. Iugnay mo ang mga kaisipang
namayani sa napanood at sa bahagi ng
akdang binasa.
________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
_______________.
15
Sanggunian
Department of Education. Most essential learning competencies. Philippines:
Department of Education, 2020.
Lartec, Norbert, Demetrio, Lorilee, Mendoza, Dean, Lozano, Elizabeth. Maharlika:
Wika at panitikan ng bayang malaya IV El Filibusterismo. Antipolo City:
DJCE Enterprises, 2008.
Navarro. Ang pinaikling bersiyon El Filibusterismo ni Jose Rizal. Philippines: Prime
Multi Quality Printing Corporation, 2009.
Salum, Roselyn. El Filibusterismo: Dinisenyo batay sa kurikulum ng K-12.
Malabon City: Jimczyville Publications, 2015.
TBA Studios. “CineScript: Heneral Luna.” May 26, 2020. Youtube video, 4:27.
https://www.youtube.com/watch?v=PBT-qSm-gJs.
TAYAHIN:
1.A
2.A
3.B
4.B
5.B
6.B
7.A
8.B
9.D
10.C
KARAGDAGANG GAWAIN:
IBA-IBA ANG
SAGOT NG MGA
MAG-AARAL
Susi sa Pagwawasto
TUKLASIN:
IBA-IBA ANG
SAGOT NG MGA
MAG-AARAL
PAGYAMANIN:
GAWAIN 1
IBA-IBA ANG SAGOT
NG MGA MAG-AARAL
GAWAIN 2
IBA-IBA ANG SAGOT NG MGA MAG-AARAL
BALIKAN:
1.Tama
2.Tama
3.Tama 4.Mali
5.Mali
16
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer
One night I had a dream. I dreamed
that I was walking along the beach
with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets
of footprints – one belong to me and
the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
And the LORD replied “My son, My
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the
sand, because it was then that I
CARRIED YOU!
I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry mouth is prest
Against the earth’s sweet flowing
breast;
A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.